Nagsagawa ng motu propio investigation ang Commission on Human Rights (CHR) sa kaso ng isang menor de edad na pinahiran ng mga pulis ng sili ang kaniyang ari.
Nauna rito, isang binatilyo ang nag-report sa isang police station sa Don Marcelino sa Davao Occidental kaugnay sa pagmamaltrato sa kaniya ng sariling ama.
Pero sa halip na asikasuhin, binudburan umano ng tatlong police officers ng suka na may sili ang kaniyang ari.
Iniimbestigahan din ng CHR ang ginawang pambubugbog ng tatlong pulis sa isang waiter sa isang bar sa Zamboanga City dahil sa pagtanggi nitong dalhan ng beer ang isang retired police major.
Nababahala ang komisyon sa mga insidente ng pagmamalupit ng ilang police officers.
Giit ng CHR, bilang mga tagapagtanggol ng kapakanan ng mga mahihina, dapat kumilos ang mga pulis bilang mga tunay na public officers na kumikilala sa karaparan at dignidad ng tao.