CHR, iniimbestigahan na ang pag-aresto sa 90 magsasaka at kanilang supporters sa Tinang, Concepcion, Tarlac

Iniimbestigahan na ng Commission on Human Rights (CHR) ang nangyaring pag-aresto sa may 90 na magsasaka, land reform advocates at kanilang mga tagasuporta sa Hacienda Tinang sa Concepcion, Tarlac noong June 9,2022.

Ayon kay CHR Executive Director, Atty. Jacqueline Ann de Guia, nangangalap na ng impormasyon ang CHR Region-3 upang alamin
ang alegasyon ng physical at mental abuse sa mga inaresto sa mga detention facility, at ang umanoy red tagging.

Ayon sa grupo, nagsasagwa lang sila ng bungkalan o cooperative planting nang dumating ang mga pulis at sila ay arestuhin.


Sumama rin ang CHR central offfice sa binuong independent investigation team pang makita ang pangkabuuang sitwasyon.

Nauna na ring dumipensa ang local police doon at sinabing sinira umano ng naturang mga grupo ang pananim na tubo na pag-aari ng isang agriculture cooperative.

 

Rumesponde umano sila para magpanatili ng kaayusan sa lugar ngunit lumikha umano ng kaguluhan ang mga magsasaka sanhi upang sila ay arestuhin.

Facebook Comments