CHR, iniimbestigahan na rin ang kaso mistaken identity incident sa Navotas City

Iniimbestigahan na rin ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagkamatay ng isang 17-anyos na binata na biktima ng mistaken identity ng anim na pulis sa Navotas City.

Sa isang pahayag, sinabi ng CHR na labis itong nababahala sa insidente.

Umaasa ang CHR na magsasagawa ng reporma sa loob ng Philippine National Police dahil ang pagkamatay ng isa ay napakarami pa rin.


Giit ng CHR, magsilbing babala sa pamunuan ng PNP ang pangyayari upang maging maingat sa sobrang paggamit ng lakas sa mga sitwasyong ipinatutupad nila ang kanilang tungkulin.

Pinuri naman ng komisyon ang aksyon ng Philippine National Police.

Isang master sergeant, tatlong staff sergeants, dalawang corporals, at isang patrolman na sangkot sa pamamaril ang sinampahan na ng kasong administratibo at pagpatay.

Ang mga ito ay dinisarmahan at nakadenitine na.

Nagpaabot na ang CHR ng pakikiramay sa pamilya ng biktima at umaasang maipagkakaloob sa mga ito ang hustisya.

Facebook Comments