CHR, iniimbestigahan na rin ang pagpatay sa local radio broadcaster sa Misamis Occidental

Ikinasa na ng Commission on Human Rights (CHR) ang quick response operation para magsagawa ng hiwalay na imbestigasyon sa pagpatay sa radio brodcaster na si Juan Jumalon sa bayan ng Calamba sa Misamis Occidental.

Sa isang pahayag, sinabi ng CHR na aalamin ng kanilang mga tauhan sa CHR Region 10 kung personal o may kinalaman ba sa trabaho ang pagpatay.

Kinondina ng CHR ang krimen sa mamamahayag.


Batay sa datos ng komisyon, ika-apat na si Jumalon na media man na itinumba sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

Nanawagan ang CHR sa kinauukulan na huwag pabayaan ang kaso at tiyaking may mananagot sa nangyari.

Nangangamba ang CHR na kung walang mapananagot, lalakas ang loob ng kriminal at mistulang maging normal na lang ang pagpatay sa mga mamamahayag.

Nauna nang tiniyak ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP) na tututukan nila ang kaso at gagawin lahat upang makamit ang hustisya.

Facebook Comments