Inilabas ngayon ng Commission on Human Rights ang ilang bahagi ng resulta ng kanilang imbestigasyon sa drug war killings.
Sa isang statement, sinabi ni CHR Commissioner Gwen Pimentel Gana na kabilang sa mga kaso na kanilang hinawakan ay nagpapakita umano ng brutal at malupit na mukha ng giyera laban sa droga.
Lumilitaw sa inilabas na parte ng CHR, na ilan sa mga biktima ay kinakitaan umano ng mga sugat na may palatandaan na may nangyaring labis na paggamit ng lakas at intensyon ng sadyang pagpatay sa panig ng nagsagawa ng karahasan.
Malinaw unano na ito ay bakas ng malupit na istilo ng anti-drug campaign
Inilabas ng CHR ang ilang parte ng findings kasunod ng pag-anunsyo ng drug review panel na hindi nasunod umano ng mga pulis ang protocols sa kanilang mga operasyon.
Ayon sa CHR, hindi umano ito nalalayo sa kanilang findings at paulit-ulit na pinaaaksyunan sa gobyerno kahit noong kasagsagan ng drug war.