CHR, ipinanawagan ang genuine agrarian reform sa paggunita ng ika- 34 na taon ng Mendiola massacre

Photo Courtesy: Commission on Human Rights of the Philippines Facebook Page

Nanawagan ang Commission on Human Rights (CHR) sa gobyerno na magpatupad ng genuine agrarian reform at patigilin ang mga nangyayaring patayan.

Ginawa ni CHR Spokesperson Atty.Jacqueline de Guia, ang panawagan bilang pakikiisa sa 34th commemoration ng Mendiola massacre.

Ani De Guia, mahalaga ang papel ng mga magsasaka sa pagtiyak ng katatagan ng pagkain sa bansa pero patuloy silang nabibiktima ng pang-aagaw ng lupa mula sa mga landlord.


Masakit aniyang isipin na ang mga sektor na nagpapakain sa taumbayan ay mismong nakararanas ng food insecurity.

Pero, tinatapatan aniya ng pananakot ang mga magsasaka tuwing dadalhin nila sa lansangan ang kanilang protesta.

Ikinalungkot din ng CHR na pinalubha pa ang kalagayan ng mga magsasaka ng naging epekto ng pandemya na dumaranas ng kagutuman.

Facebook Comments