Monday, February 2, 2026

CHR, kinalampag ang Kongreso sa pag-decriminalize sa libel at cyberlibel

Isinusulong sa Kongreso ng Commission on Human Rights (CHR) na i-decriminalize ang kasong libel at cyberlibel.

Ayon sa CHR, ang mga panukala sa Kamara at Senado tungkol sa pag descriminalize sa libel ay nakabinbin pa rin sa komite hanggang sa kasalukuyan.

Dagdag ng CHR, ang criminal libel provisions sa Revised Penal Code at Cybercrime Prevention Act of 2012 ay nagagamit para patahimikin ang mga kritiko at harangin ang malayang talakayang bayan.

Iginigiit ng iba pang mga human rights advocates na sapat na ang mga pananagutang sibil, tulad ng multa at danyos, upang mabigyan ng kaukulang remedyo ang mga kaso ng paninirang-puri.

Iminungkahi rin ng CHR ang pagtatatag ng sistema na kahalintulad ng civil sanctions para sa defamation, kasama na ang compensatory damages bilang alternatibo sa criminal prosecution.

Nais din ng CHR na sumailalim sa pagsasanay ang mga hukom, tagausig, at mga opisyal ng law enforcement hinggil sa isang human rights–based na pagharap sa mga kaso ng paninirang-puri

Facebook Comments