CHR, kinondena ang karumaldumal at walang saysay na pagpatay ng isang pulis sa mag-ina sa Tarlac

Lubos na ikinalungkot ng Commission on Human Rights (CHR) ang nangyaring pamamaril ng isang pulis sa mag-ina sa Paniqui, Tarlac.

Ayon kay Atty. Jacqueline De Guia, dapat isinaalang-alang ni Police Senior Master Sgt. Jonel Nuezca ang tinatawag na maximum tolerance lalo’t hindi naman malalim ang ugat ng alitan.

Dagdag pa ni De Guia, hamon ngayon sa mga pulis na maibalik ang tiwala ng tao.


May ilan kasi na natatakot nang lumapit sa mga pulis dahil kahalintulad na insidente kung saan police pa ang pumapatay.

Nagpaabot ng pakikiramay ang CHR sa pamilya ng biktima at tiniyak na sila ay katuwang upang makamit ang hustisya.

Facebook Comments