Kinondena ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagpatay ng New People’s Army (NPA) sa isang magsasaka at karpentero sa Negros Islands noong Abril 9.
Sa isang statement, sinabi ng CHR na isang paglabag sa ” right to life” ang ginawa ng NPA.
Una nang inako ng mga miyembro ng Leonardo Panaligan Command ng NPA Central Negros Guerilla Front ang pagpatay sa magsasakang si Danilo Bedaja at karpentero na si Armando Babor.
Ayon sa tagapagsalita ng Leonardo Panaligan Command kaya pinatay ang magsasaka dahil sangkot ito sa mga pagnanakaw at land-grabbing activities bukod pa sa pag-iingat ng baril.
Ang pagpatay naman sa karpentero ay inakusahang intelligence asset ito ng militar.
Binigyang-diin ng CHR, ang tuntunin ng batas ay nagdidikta na ang mga taong nakagawa ng anumang krimen ay dapat bigyan ng angkop na proseso at kung nagkasala ay parusahan din ayon sa batas.