CHR, kinondena ang pag-atake ng Abu Sayyaf sa tropa ng gobyerno sa Sulu

Kinondena ng Commission on Human Rights (CHR) ang malupit na pag-atake ng Abu Sayyaf sa mga tropa ng pamahalaan sa Patikul, Sulu.

Ayon kay Atty. Jacqueline de Guia, Spokesperson ng CHR, ang ginawang pamumutol sa katawan ng mga nasawing sundalo ay isang tahasang pag-atake sa dignidad ng tao.

Nakalulungkot, aniya, na muli na namang nagbuwis ng buhay ang mga kawal ng pamahalaan na ang layunin lamang ay mapanatili ang seguridad at katahimikan sa mga komunidad.


Hinikayat ng CHR ang publiko na ipagdasal ang mga pamilya na naulila ng mga nasawing sundalo.

Hinimok din ng ahensya ang gobyerno na agad na pagkalooban ng tulong ang mga naulilang pamilya.

Facebook Comments