CHR, kinondena ang pag-atake ng NPA sa Rizal sa harap ng humanitarian crisis dulot ng COVID-19

Kinondena ng Commission on Human Rights ang New People’s Army (NPA) ang naging pag-atake nito sa Rizal sa kabila ng umiiral na tigil putukan habang hinaharap ang banta ng COVID-19.

Dismayado ang CHR dahil nilabag ng New People’s Army ang idineklara nitong ceasefire na magtatagal hanggang April 15 bilang tugon sa kahalintulad na aksyon ng gobyerno.

Ayon kay Atty. Jacqueline de Guia, Spokesperson ng CHR, dahil sa pag-atake ng rebeldeng grupo sa Barangay Puray sa Rodriguez, Rizal noong March 28, nagkaroon ng pagbubuwis ng buhay sa halip sana na makapagsalba dahil mayroong virus.


Sabi ni de Guia, ang ganitong pag-atake ay hindi nakakatulong sa sitwasyon.

Higit aniyang nailalagay sa delikadong sitwasyon ang buhay ng mga naninirahan sa mga liblib na komunidad

Hinamon ng CHR Spokesperson ang NPA na maging tapat sa sarili nitong ceasefire declaration at makiisa sa pagsisikap na labanan ang COVID-19.

Pinapurihan din ni de Guia ang mga Frontliners na sinusuong ang panganib para lamang makalampas ang bansa sa matinding pagsubok.

Facebook Comments