Kinondena ng Commission on Human Rights (CHR) ang pambobomba sa Mindanao State University (MSU) sa Marawi City, na nagresulta sa pagkasawi ng 11 katao at pagkasugat ng 50 iba pa.
Nagpadala na ng Quick Response Operation ang CHR para asistihan ang pamilya ng mga biktima.
Nababahala ang CHR, dahil isinagawa ang pambobomba kasabay ng pagdiriwang ng Mindanao Week of Peace.
Ayon sa CHR, ang naturang karahasan ay may layong maghasik ng takot sa mga tao at sirain ang pagpapanatili ng kapayapaan.
Facebook Comments