Mariing kinondena ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagbaril at pagpatay kay Atty. Maria Saniata Liwliwa Gonzales-Alzate.
Sa isang pahayag, nanawagan ang CHR sa law enforcement agencies na mabilis na imbestigahan at arestuhin ang mga suspek upang sila ay mapanagot sa batas.
Binigyan-diin ng CHR na ang pag-atake sa mga miyembro ng legal profession ay paglapastangan sa pananaig ng batas.
Ayon pa sa CHR, napakahalaga ng papel ng mga abogado at mga hukom sa pangangasiwa ng hustisya at sa paglalantad ng katotohanan hinggil sa mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao.
Si Gonzales-Alzate ay dating presidente ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) Abra chapter.
Isa rin siyang public interest lawyer, at IBP Commissioner of Bar Discipline noong 2015.