CHR, kinondena ang pagpatay sa nakaligtas sa EJK sa isang ospital sa Rizal

Kinondena ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagpatay sa nakaligtas sa extrajudicial killing habang ginagamot sa isang ospital sa Rizal.

Nauna rito, ginagamot ang 27-anyos na si Vincent Adia sa Rizal Provincial Hospital System Annex dahil sa tinamong tama ng bala sa katawan sa unang pag-atake.

Pero, sinundan siya sa ospital at muling binaril hanggang sa mamatay.


Ayon kay CHR Spokesperson Jacqueline De Guia, isang matinding kapangahasan na sundan at patayin sa ospital ang biktima.

Isa aniya itong paglapastangan sa isang pasilidad na ang layon ay gamutin ang mga sugatan at magsalba ng buhay.

Nakalulungkot aniya na sa gitna ng pandemya ay umiiral pa rin ang EJK.

Nagpadala na ng grupo ang CHR upang imbestigahan ang insidente.

Facebook Comments