Suportado ng Commission on Human Rights (CHR) ang agarang pagpasa ng Environmental Protection and Enforcement Bureau o ang EPEB Bill.
Ginawa ng CHR ang pahayag sa gitna ng mga kaso ng pagpatay sa mga environmental rights defenders at mga environment law enforcers.
Muling iginiit ng CHR na mahalaga na magkaroon ng isang partikular na bureau sa ilalim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na tututok sa implementasyon ng mga batas pangkalikasan at sa paggamit ng natural na yaman ng bansa.
Ayon kay CHR Spokesperson, Atty. Jacqueline Ann de Guia, ito ay pang-unang hakbang para proteksyonan ang human rights ng bawat Pilipino.
Ani De Guia, isinusulong ng komisyon ang pagsasama ng environmental governance sa essential elements ng rule of law.
Aniya, sa ilalim ng EPEB Bill, mabibigyang kapasidad ang mga law enforcer at mapapaunlad ang legal and policy mechanisms bilang panlaban sa illegal transnational environmental activities at sa mga lumalabag sa environmental laws.