CHR, kumpiyansang magiging mapayapa ang mga kilos protesta ng mga progresibong grupo hanggang sa matapos ang SONA

Sa gitna ng nagpapatuloy na programa ng mga rallyista rito sa kahabaan ng Commonwealth, kampante ang Commission on Human Rights (CHR) na magiging mapayapa ang mga kilos protesta hanggang sa matapos ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon sa CHR, nagpakalat sila ng mga imbestigador at abogado mula sa Central Office at Regional Offices para masubaybayan ang aktibidad ng mga militanteng grupo at pulisya.

Tinanggap din ng komisyon ang pahayag ng Quezon City Police District (QCPD) na nagpatupad ng maximum tolerance sa paghawak sa mga raliyista.


Mula nang nagsimula ang kilos protesta ng mga militanteng grupo kaninang umaga mula sa PHILCOA Area patungo sa Tandang Sora, wala pang napaulat na kaguluhan o tensyon sa hanay ng pulisya at raliyista.

Mahigpit ang utos ni QCPD Director Nicolas Torre III na iwasan ang magkaroon ng sakitan at paluan sa rally.

Facebook Comments