Manila, Philippines – Mag-iimbestiga na rin ang Commission on Human Rights sa mga kaso ng hazing sa mga kabataan na pumapasok sa mga Fraternity at sumasailalim sa initiation rites.
Ayon kay CHR Spokesperson Jacqueline De Guia nag-iimbestiga na rin sila sa mga Unibersidad na mayroong mga iba’t-ibang Fraternity na nagsasagawa ng hazing sa mga neophytes o mga bagong papasok sa Fraternity bilang bahagi ng kanilang initiation rites.
Idinagdag ni De Guia bilang isang kabataan , kabilang sila sa mga bulnerableng sektor na dapat protektahan sa kanilang mga karapatan na minsan ay naaabuso.
Giit ni De Guia kapag napatunayan sa mga Unibersidad na lumalabag sa karapatang pantao ang mga Fraternity sa kanilang isinasagawang hazing ay pag-aaralan ng komisyon kung magsasampa sila ng kasong kriminal sa mga sangkot dito.
Matatandaan na huling nabiktima ng hazing ay isang first year student ng UST na si Horacio Thomas Castillo III na nagtamo ng mga pasa sa braso at nasawi dahil hindi na nito nakayanan ang hirap sa isinasagawang initiation rites ng Aegis Juris Fraternity.