Manila, Philippines – Magiging katuwang na ng PNP ang Commission on Human Rights (CHR) sa pag-iimbestiga sa mga kaso ng pagpatay sa bansa.
Ito ang napagkasunduan ng PNP at CHR kaugnay sa kampaniya kontra ilegal na droga.
Ayon kay CHR Commissioner Chito Gascon, layon nitong matukoy kung may paglabag sa karapatang pantao ang mga operasyon ng mga pulis sa ilalim ng kampanya kontra droga.
Hindi naman matiyak ni Gascon kung kailan sila magsisimulang mag-review ng case folders dahil nakadepende pa ito kung kailan ibibigay ng pnp ang mga nasabing kaso.
Nilinaw naman ni Gascon na hindi sila sasama sa mga operasyon ng pulisya.
Sinabi pa ni Gascon na kasama sa kasunduan ang pagbibigay ng suhestyon gaya ng paglalagay ng body camera sa mga pulis.
Facebook Comments