Manila, Philippines – Binigyang diin ni Budget Secretary Benjamin Diokno na talagang magkakaroon ng malaking problema ang Commission on Human Rights sakaling mauwi talaga sa 1000 ang kanilang budget para sa 2018.
Paliwanag ni Diokno, isang independent body ang CHR kaya hindi ito mabibigyan ng augmentation fund ng anomang ahensiya ng gobyerno.
Pero sinabi din nito na hindi pa naman tapos ang lahat para sa CHR dahil dadaan pa sa senado ang budget bago ito maratipikahan at maibigay kay Pangulong Rodrigo Duterte para lagdaan at maisabatas.
Hindi din naman aniya bago ang issue na ito dahil noong panahon ni Dating Pangulong Cory Aquino ay mayroong ahensiya sa ilalim ng Department of Finance ang nabigyan ng Pisong Budget.
Matatandaan na sinabi ni Pangulong Duterte, na wala siyang kinalaman sa ginawang hakbang ng kongreso matapos nitong bigyan ng 1000 budget ang CHR.
CHR, magkakaroon ng problema kung mauuwi sa 1000 ang budget para sa susunod na taon
Facebook Comments