CHR, magpapalabas sa statement sa usapin ng red-tagging sa mga artista!

Nakatakdang magpalabas ng statement ang Commission on Human Rights kaugnay
Sa umanoy red-tagging ng Armed Forces of the Philippines sa ilang kilalang artista matapos na magsalita sa mga isyung pulitikal at pakikipag-ugnayan sa mga aktibista.

Una na kasing pinuna at binalaan ni Lt. Gen. Antonio Parlade Jr., hepe ng AFP Southern Luzon Command, ang aktres na si Liza Soberano dahil sa pagsasalita nito sa usapin ng women’s rights sa isang webinar ng Gabriela, ang grupong idinidikit ng militar sa New People’s Army (NPA).

Sa interview ng RMN Manila, binigyan diin ni CHR Commissioner Atty. Gwen Pimentel–Gana na walang basehan ang babala ni Parlade dahil wala siyang nakikitang masama sa ginawang partisipasyon ng aktres.


Sinabihan pa ni Gana si Parlade na bilang opisyal ng gobyerno at tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict, dapat itong maghinay-hinay sa kanyang mga pahayag.

Bukod kay Soberano, binalaan din ni Parlade si Miss Universe 2018 Catriona Gray na huwag sumunod sa yapak ni ka Ella Colmenares, ang kapatid ng aktres na si Angel Locsin na umano’y miyembro ng NPA sa probinsya ng Quezon.

Facebook Comments