Nagpadala na ng tauhan ang Commission on Human Rights (CHR) sa Bicol Region para tumulong sa imbestigasyon sa pananambang at pagpatay sa online journalist sa Sorsogon.
Kasabay nito, hinikayat ng CHR ang gobyerno na tuntunin at papanagutin ang nasa likod ng insidente.
Kinokondena ni CHR Spokesperson Jacqueline De Guia ang pagpatay kay Online Commentator Jobert Bercasio.
Ito aniya ay nagpapakita na may kalakarang i-harass ang media practitioners.
Hamon ni De Guia sa gobyerno, tiyaking ang media practitioners ay ligtas habang ginagampanan nila ang kalayaang makapagpahayag.
Aniya, lilikha ng culture of impunity kung hindi mailalabas sa publiko ang mahahalagang impormasyon dahil sa pananakot sa media.
Facebook Comments