Iimbestigahan ng Commission on Human Rights (CHR) ang tangkang pagpaslang sa mayoralty candidate sa Calamba, Misamis Occidental.
Sa isang statement, sinabi ni CHR Spokesperson Atty. Jacqueline de Guia, ang pagtatangka sa buhay ni George Matunog Jr., ay maituturing na election-related violence.
Ito aniya ay may “chilling effect” sa electoral system at may negatibong epekto sa proseso ng demokrasya.
Sa inisyal na report ng CHR, lumilitaw na papauwi na si Matunog sa Purok 1 Barangay Southwestern Poblacion noong Marso 13 nang bigla siyang pagbabarilin ng isang suspek na sakay ng motorsiklo
Kinikondena ng CHR ang insidente dahil isa itong paglabag sa karapatan sa buhay ninuman.
Ani ni De Guia, dapat na umanong mahinto ang lahat ng uri ng vigilant-type na atake sa mga electoral candidates.