CHR, makikipagdayalogo sa ilang mga kawani ng media ngayong araw

Magsasagawa ngayong araw ng media session dialogue ang Commission on Human Rights (CHR) upang talakayin ang mga prayoridad at layunin ng Commission en banc VI hinggil sa mga kasalukuyang isyu sa karapatang pantao.

Nakatakda ring makipagdayalogo ang CHR sa ilang mga mamamahayag o mga kawani ng media na kadalasang nahaharap sa mga hamon sa kanilang trabaho, tulad ng death threats o banta, pananakot, at karahasan.

Ayon sa CHR, kinikilala ng komisyon ang halaga ng media na itaguyod ang demokrasya at ang tungkulin nito na matiyak ang malayang pagdaloy ng impormasyon sa lipunan, na nagbibigay ng kapangyarihan sa publiko na gumawa ng mga tamang desisyon, at panagutin ang mga lumalabag sa karapatang pantao.


Dagdag pa ng komisyon, nakatuon sila sa pagprotekta sa karapatan ng mga mamahayag bilang independent institution.

Magsisimula ang media session dialogue mamayang alas-11 ng tanghali sa Diliman Quezon City na dadaluhan din ni CHR Chairperson, Atty. Richard Palpal-Latoc.

Facebook Comments