CHR, may apela sa gobyerno kasabay ng ika-4 na taon ng pagkadetine ni Sen. Leila de Lima

Kasabay ng ika-apat na taon sa detention ni Senator Leila de Lima, nagpaalala ang Commission on Human Rights (CHR) sa gobyerno na kilalanin ang Constitutional rights ng Senadora.

Sinabi ni CHR Spokesperson Atty. Jacquelyn de Guia, ang matagal na panahong pagkakadetine ng isang inosenteng tao sa kulungan ay isang pagyurak sa karapatang pantao.

Aniya, sa ilalim ng Basic Principles for the Treatment of Prisoners ng Universal Declaration of Human Rights, nananatili ang human rights at fundamental freedoms ng sinumang bilanggo.


Katulad aniya ng ibang Persons Deprived of Liberty (PDLs), may karapatan din ang senadora sa due process, presumption of innocence at karapatan sa speedy, impartial at public trial.

Umaasa ang CHR na sa bandang huli ay papanig ang justice system sa kung ano ang tama at makatao.

Si de Lima ay nahaharap sa tatlong kasong kriminal na nag-ugat sa pagkakadawit niya sa paglaganap ng illegal drug trade sa New Bilibid Prison (NBP).

Facebook Comments