CHR, may bago nang chairperson

Photo Courtesy: CHR Facebook page

May bagong chairperson na ang Commission on Human Rights (CHR).

Sa isang statement, inanunsyo ng CHR ang pormal na pagkakatalaga kay Leah Tanodra-Armamento bilang bagong chair.

Pinalitan niya si Chito Gascon na pumanaw noong October, 2021 dahil sa kumplikasyon dulot ng COVID-19.


Hindi na umano bago si Armamento sa komisyon dahil naging Commissioner siya sa Fifth Commission En Banc.

Bago siya naitalaga sa CHR, si Chair Tanodra-Armamento ay nanungkulan sa Office of the Solicitor General bilang Associate Solicitor na humahawak sa mga habeas corpus cases.

Ang iba pang kasalukuyang Commissioner ng Commission En Banc na sina Commissioner Karen Gomez-Dumpit, Commissioner Gwendolyn Pimentel-Gana, at Commissioner Roberto Eugenio Cadiz ay magtatapos sa May 5, 2022.

Facebook Comments