CHR, nababahala sa kondisyon ng press freedom sa bansa

Tinawag ng Commission on Human Rights (CHR) na may pinakamalalang kondisyon ang Pilipinas pagdating sa usapin ng press freedom.

Ginawa ng CHR ang pahayag kasabay ng paggunita ng National Broadcasters’ Month ngayong Abril.

Ayon kay CHR Spokesperson Atty. Jacqueline Ann de Guia, batay sa 2021 World Press Freedom Index na inilabas ng Reporters Without Borders, bumaba ang ranggo ng Pilipinas sa mga bansang may worse state of press freedom.


Mula sa 180 na bansa na napasama sa survey, bumagsak ang ranggo ng Pilipinas.

Ito’y mula sa ika-136 noong nakaraang taon patungong 138th ngayong 2021.

Hinimok ng CHR ang gobyerno na bigyan ng legal protection ang mga miyembro ng media na ginagampanan ang kanilang tungkulin.

Dapat din aniyang pabilisin ang imbestigasyon sa mga media-related killing at mga pag-atake sa malayang pamamahayag.

Facebook Comments