CHR, nababahala sa pagka-take down ng mga FB page ng mga militanteng grupo

Tinuligsa ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagkakatanggal ng Facebook pages ng iba’t ibang progressive groups partikular ang mga account ng Kilusang Mayo Uno (KMU), Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN), at Anakbayan.

Nauna rito, inireklamo ng KMU na baka permanenteng i-shut down ang kanilang Facebook page habang naka-lock o hindi ma-access ang personal accounts ng page administrators at editors nito.

Sa isang pahayag, sinabi ng CHR na ang pag-takedown sa mga FB page ay paglabag sa karapatan sa pamamahayag at sa karapatang makapagsalita na ginagarantiyahan ng Konstitusyon at ng Universal Declaration of Human Rights.


Dagdag ng Komisyon, nilalabag ng pangyayari ang pinakaprinsipyo sa ilalim ng United Nations Guiding Principles on Business and Human Rights state na nagtatakda na dapat ay bahagi ng corporate responsibility ang pagtatanggol sa mga nabanggit na karapatan.

Facebook Comments