Nagpahayag na ng pagkabahala ang Comission on Human Rights sa pagtaas ng kaso ng hazing.
Kasabay nito ang panawagan ng CHR sa Commission on Higher Education na madaliin na ang Implementing Rules and Regulation para sa Anti-Hazing Act of 2018.
Sa inilabas na statement, sinabi ni CHR Spokesperson, Atty. Jacqueline Ann de Guia, ang ganitong kalupitan at hindi makataong gawain ay dapat tuluyan nang matigil.
At habang walang pangil ang batas, marami pang mga estudyante ang nanganganib.
Base naman sa pahayag ni CHED Chairman Prospero De Vera III, natapos na ang IRR na may pinalawak na penalties na fully criminalized.
Aniya, nanatiling matatag ang panindigan ng CHR laban sa hazing at mga ibinubunga nito.
Sabi pa ni De Guia, ito ay isang marahas na kasanayan na walang puwang sa academic institutions.
Hiniling ng komisyon sa pamahalaan, CHED, at sa security sector na tiyaking maayos at kumpletong ipapatupad ang Anti-Hazing Act of 2008 at mahigpit na imonitor ang mga paaralan at unibersidad sa bansa.
Nanawagan din ang CHR sa mga paaralan at sa academic institutions na magpatupad din ng sistema at mekanismo upang maiwasan ang hazing sa mga school campus.