Susubaybayan ng Commission on Human Rights (CHR) ang mga Labor Day protest na isinasagawa sa Metro Manila at mga ibang rehiyon.
Nag-deploy ang CHR ng investigation team upang tiyaking ‘di-malalabag ang karapatang pantao ng mga magkikilos-protesta.
Kasabay nito, nagpaalala ang CHR na paalalahanan ang mga pwersa ng estado na protektahan at kilalanin ang karapatan sa mapayapang pagpapahayag.
Ayon sa CHR, ang okasyon ay isang mahalagang araw upang kilalanin ang mga gaps sa pagtataguyod ng mga karapatan ng mga manggagawa tulad ng kawalan at kakulangan ng trabaho, contractualization at pag-atake laban sa mga pinuno at miyembro ng unyon ng manggagawa
Kasabay nito, mahalaga na makahanap ng paraan upang matugunan ang mga isyu sa paggawa upang matiyak ang pare-pareho na pagpapatupad ng comprehensive support mechanism para sa mga mahihinang at mahihirap na manggagawa.