CHR, nagbabala sa DILG sa paglalabas ng narco-list

Manila, Philippines – Binalaan ng Commission on Human Rights (CHR) ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa posibleng maging bunga ng pagsasapubliko ng narco-list bago ang eleksyon sa Mayo.

Ayon sa CHR, mauuwi lang sa character assassination, paninira at gulo ang balak nitong pagsasapubliko ng mga pulitikong sangkot sa iligal na droga.

Hinamon din ng CHR si DILG Secretary Eduardo Año na kasuhan na lang ang mga isinasangkot kaysa maglabas ng mga pangalang hindi naman beripikado ng pamahalaan.


Una nang sinabi ng Malacañang na galing sa wiretapped communications mula sa ibang bansa ang ilan sa mga pangalan sa ilalabas na narco-list.

Pero nanindigan naman si Año na tuloy pa rin ang paglalabas nila sa nasabing listahan bago ang 2019 midterm elections.

Facebook Comments