CHR, nagbabala sa PNP kaugnay ng pagbabanta ng manhunt laban sa mga crime suspect nang walang kaukulang arrest warrant

Nagbabala ang Commission on Human Rights (CHR) sa Philippine National Police (PNP) sa paglalabas ng manhunt operation sa mga suspek sa krimen nang walang kaukulang warrant of arrest.

Ginawa ni CHR Spokesperson Jacqueline De Guia ang pahayag kasunod ng naging pagtrato ng PNP sa mga suspek sa pagkamatay ni Christine Dacera.

Pinaalalahanan ni De Guia ang mga otoridad na tiyaking nasusunod ang kanilang mga panuntunan upang hindi mabahiran ng pagdududa ang kanilang mga police operations.


Aniya, dapat maipatupad ang standards alinsunod sa rule of law at matiyak na mapapangalagaan ang karapatang pantao.

Nauna rito, binigyan ni PNP Chief Police General Debold Sinas ng 72 hours ang mga suspek sa pagkamatay ni Christine Dacera na sumuko at huwag nang hintayin ikasa ang isang manhunt laban sa mga ito.

Facebook Comments