CHR, nagluksa rin sa pagkamatay ng dating SP Nene Pimentel

Manila, Philippines – Nagluluksa rin ang Commission on Human Rights (CHR) sa pagkamatay ng dating Senate President Aquilino “Nene” Pimentel, Jr., sa edad na 85 matapos magkasakit ng lymphoma, isang uri ng kanser sa immune system.

Sa isang pahayag, pinuri ni CHR Spokesperson, Atty. Jacqueline Ann de Guia ang ipinakitang katapangan at naiambag sa bayan ni Ka Nene sa pagtatanggol ng demokrasya.

Isa si Ka Nene sa nakulong noon dahil lantarang pagtuligsa sa diktaduryang Marcos.


Kinilala ni de Guia ang pagsusulong ng dating senate president sa pagkakaloob ng special protection sa mga mahihirap at mahihina sa lipunan.

Ani de Guia, tumatak ang marka ni Pimentel bilang tagapagtaguyod ng pangingibabaw ng rule of law at pagrespeto sa Constitution.

Facebook Comments