CHR, nagpaliwanag sa kinukwestyong milyon-milyong pisong halaga ng plane tickets

Dumipensa ang Commission on Human Rights sa kinukwestyong milyon-milyong pisong halaga ng plane tickets na nasilip ng Senado habang dinidinig ang hirit nitong salaping gastusin sa susunod na taon.

Ayon kay Executive Director at CHR Spokesperson Atty. Jacqueline Ann de Guia, P10-M lang ang halaga ng plane tickets at ito ay dulot ng mga biyaheng biglaan at hindi nakaplano dahil sa mga kaganapang nangangailangan ng mabilis na tugon.

Sinabi ni de Guia, karamihan sa mga plane ticket ay binili sa panahon ng imbestigasyon ng CHR sa Zamboanga siege at Marawi siege.


Ito aniya ay noong panahong nagsagawa sila ng forensic exhumations sa mga autopsy.

Dagdag pa ni de Guia, ang mga travel ticket ay 8% lang ng total travel allocation.

P10 million lang aniya ito ng P125 million na laan sa travel expenses sa tatlong taon.

Naipaliwanag na aniya nila ito sa Commisson on Audit at binigyan ng COA ang CHR ng 2019 unmodified rating dahil katanggap-tanggap na paliwanag nito.

Humihirit ang CHR ng mahigit P860-M na budget sa 2021 na mas mataas sa naibigay sa kanila noong 2019.

Facebook Comments