Sinimulan na ng Commission on Human Rights (CHR) sa Region 10 ang sarili nitong imbestigasyon hinggil sa pagpatay kay Audrey Gaid Estrada, isang radio news broadcaster sa Poblacion, Bayan ng Bacolod, Lanao del Norte.
Ayon kay CHR Spokesperson at abogadong si Jacqueline Ann de Guia, nag-alok na ng pabuya ang lokal na pamahalaan ng Bacolod para sa mga makapagbibigay ng impormasyon.
Aniya, inaasahan nila ang karagdagang aksyon mula sa mga awtoridad.
Muli rin iginiit ni De Guia ang kahalagahan ng pagtiyak ng agarang hustisya para pigilan ang higit pang karahasan at mahuli ang gumawa nito.
Facebook Comments