CHR, nakahandang magbigay ng financial assistance sa pamilya ng “mentally challenged ” na napatay ng tanod sa Maynila

Nakahanda ang Commision on Human Rights (CHR) na magbigay ng tulong pinansiyal sa pamilya ng lalaking nasawi matapos barilin ng isang barangay tanod sa lungsod ng Maynila.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni CHR Deputy Spokesperson Marc Siapno na ito ay dahil may mga inihain na namang kaso laban sa suspek na si Cesar Panlaqui.

Kasunod niyan, sinabi ni Siapno na magbibigay rin ang CHR ng rekomendasyon kung papaano ang mas maayos na pagtugon ng mga nagpapatupad ng batas lalo na ngayong nasa ilalim ang Metro Manila ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).


Sabado noong naganap ang insidente kung saan lumabas sa imbestigasyon na sinita ng suspek ang lalaking may sakit sa pag-iisip dahil sa paglabag sa curfew at dito na binaril ang biktima na agad niyang ikinasawi.

Facebook Comments