Nakitaan ng Commission on Human Rights (CHR) ng common pattern ang kamatayan ng nasa 14 na katao sa anti-criminality operations ng pulisya sa Negros Oriental.
Base sa inisyal na imbestigasyon, sinabi ni CHR Region 7 Investigation Chief Leo Villarino – karamihan sa mga nasawing indibidwal ay inilalayo at itinatago sa mga kamag-anak nito noong sila ay naaresto.
Aniya, kapag nagsagawa ng pagsalakay ang mga operatiba ay pinapalabas ng bahay ang mga nasa loob at iniiwan yung biktima na napaslang sa loob.
Napansin din ng CHR na karamihan ng tama ng bala ay deretso sa ulo ng biktima.
Ang pamilya ng siyam mula sa 14 na pinatay ay sumadya na sa CHR investigating team.
Una nang iginiit ng Philippine National Police (PNP) na lehitimo ang ginawang operasyon.