Manila, Philippines – Nanawagan ang Commission on Human Rights (CHR) sa gobyerno na itigil na ang isinasagawang air strikes sa Marawi City.
Ito ay para maiwasan ang patuloy na pinsala sa buhay at mga ari-arian sa mga apektadong komunidad ng bakbakan.
Ayon sa CHR, suportado nila ang ginagawang operasyon ng pamahalaan sa lungsod pero dapat umano itong mag-ingat para hindi madamay ang mga sibilyan.
Umapela rin ito sa mga lokal na pamahalaan at iba’t ibang ahensya ng gobyerno lalo na sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na agad magpa-abot ng tulong sa mga nasa evacuees.
Matatandaang nagsimula ang bakbakan ng Maute at ng tropa ng gobyerno noong May 23 na nagbunsod sa pagdedeklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ng martial law sa Mindanao.
DZXL558