CHR, nanawagan na paigtingin ang pagbabantay ng mga law enforcement agencies

Manila, Philippines – Hinimok ng Commission on Human Rights (CHR) ang administrasyong Duterte na doblehin ang pagbabantay sa harap ng paglipana ng mga grupo ng mamamatay tao na ang target ay mga personalidad sa larangan ng pulitika.

Ayon kay CHR Spokesperson Jacqueline Ann de Guia, nakakaalarma ang culture of impunity na umiiral dahil kahit panahon ng Pasko na panahon ng pagmamahalan ay patuloy ang pagkitil ng buhay.

Hindi aniya ito dapat palagpasin ng gobyerno lalo pa at maiuugnay sa nalalapit na eleksyon ang mga nangyayaring pagpatay.


Ginawa ng CHR ang panawagan kasunod ng pananambang kay Ako Bicol Partylist Representative Rodel Batocabe sa Daraga, Albay.

Si Batocabe ay last term na bilang Ako Bicol congressman at kumakandidato ngayon bilang mayor ng Daraga.

Ayon kay De Guia, nagsasagawa na rin ng imbestigasyon ang CHR sa Albay sa nangyaring pagpatay kay Batocabe.

Facebook Comments