CHR, nanawagan sa pamahalaan na imbestigahan ang iregularidad sa NCMH kasunod ng pagpatay sa pinuno nito

Nanawagan ang Commission on Human Rights (CHR) sa pamahalaan na patuloy na imbestigahan ang sinasabing iregularidad sa loob ng National Center for Mental Health (NCMH).

Nabatid na nasawi matapos tambangan sa Barangay Culiat, Quezon City kahapon si NCMH Chief Roland Cortez at ang driver nito na si Ernesto Dela Cruz.

Ayon kay CHR Spokesperson Jacqueline De Guia, magsasagawa na sila ng hiwalay na imbestigasyon sa insidente at nananawagan sila ng hustisya.


Sa panahon ng global health crisis, ang katiwalian sa loob ng public health institutions ay nagdudulot ng mabagal na paghahatid ng healthcare services sa mga nangangailangan.

Kinondena rin ng CHR ang pagpatay sa dalawang biktima.

Umapela sila sa Philippine National Police (PNP) na magkaroon ng mabilis na imbestigasyon para mapanagot ang sinumang nasa likod ng pagpaslang.

Facebook Comments