CHR, nangakong iimbestigahan ang recruitment ng mga child warriors

Tiniyak ng Commission on Human Rights (CHR) na iimbestigahan nito ang patuloy na recruitment ng children warriors sa mga linking na lugar kung saan mayroong armadong tunggalian.

Ginawa ni CHR Spokesperson Jacqueline Ann de Guia ang pahayag kasabay ng paggunita ng International Day against the Use of Child Fighters or Red Hand Day.

Ayon kay De Guia, nakakabahala ang ganitong takbo ng pangyayari sa ilang lugar sa bansa.


Aniya, iba-ibang porma ang pagre-recruit sa mga kabataan.

Ang iba aniya ay sapilitang kinukuha.

Ang iba naman ay nililinlang upang papaniwalain na ang pagsapi sa armadong grupo ay maghahatid sa kanila ng magandang kinabukasan.

Karamihan sa mga ito ay isinasabak sa frontlines, umaaktong espiya, lookouts, mensahero at malimit na naeembalido kapag nasugatan o napapatay sa engkwentro.

Dagdag ni De Guia, isang paglabag sa International Humanitarian Law ang recruitment ng mga bata para sa armed conflict and hostilities.

Facebook Comments