CHR, nangangamba sa pwedeng mangyari matapos ipagbawal ang mga kilos-protesta kasabay ng SONA ni Pangulong Duterte ngayong araw

Nababahala ang Commission on Human Rights (CHR) sa magiging epekto ng inilabas na kautusan ng Department of Interior and Local Government (DILG) na nagbabawal sa mga kilos-protesta kasabay ng ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay CHR Spokesperson Atty. Jacqueline Ann De Guia, maaaring magkaroon ng maramihang mga pag-aresto sa mga tumutunggaling boses sa lambong ng pagpapatupad ng umiiral na health protocols.

Kinuwestyon ni De Guia ang DILG Memorandum dahil pinatunayan naman umano sa pag-aaral sa Estados Unidos at Australia na hindi nagdudulot ng hawahan ng virus ang outdoor gatherings.


Maiiwasan naman aniya ang hawahan kung pananatilihin ang social distancing, ang pagsusuot ng face masks at hindi pagsama ng mga mayroon nang karamdaman

Naniniwala ang CHR na mahalaga pa ring kilalanin ang karapatan sa pagpapahayag kahit nasa gitna ng pandemya ang bansa.

Facebook Comments