CHR, opisyal nang inilunsad ang kanilang Human Rights Institute

59

Opisyal nang inilunsad ng Commission on Human Rights (CHR) ang kanilang Human Rights Institute (HRI) na matatagpuan sa Central Office sa Quezon City.

Kasabay ito ng pagdiriwang ng Human Rights Day na ginaganap ngayong araw.

Dumalo sa event ang mga ambassadors mula sa New Zealand, Netherlands at Canada.


Ayon kay CHR Spokesperson Jacqueline de Guia, maituturing itong ‘milestone’ na tulong sa pagpapalakas pa ng human rights education at promotion sa Pilipinas.

Habang aniya, dream come true rin ang gawain hindi lamang para sa kasalukuyang komisyon kundi maging sa mga nakaraang namumuno na pinaplano ito ng maraming taon.

Ang Human Rights Institute ay nag-aalok ng online general, special, professional at executive courses para sa mga law enforcers, jail personnel, judges at prosecutors.



Facebook Comments