Manila, Philippines – Nababahala ang Commission on Human Rights sa paglalagay ng DILG ng drop box sa Barangay na naghihikayat sa mga residente na isulat ang pangalan ng mga suspected drug personalities.
Ayon kay CHR spekesperson Jackie De Guia, lilikha ng pagkahati hati sa mga mamamayan sa isang komunidad ang drop box system.
Walang training o hindi sinanay ang ordinaryong mamamayan sa pagkilatis ng kung sino ang nagtutulak at gumagamit ng illegal na droga.
Ang pagsubaybay at pagdakip sa mga ito ay tanging trabaho ng mga law enforcement agencies.
Ang drop box system ay bukas sa abuso dahil maaring gamitinng mga taong may kagalit sa komunidad.
Nilalagab din niya ang karapatang pantao dahil hinuhusgahan na ang suspect nang hindi man lamang nakakasagot sa paratang.
idinagdag ni De Guia nadapat maghanap ng ibang mekanismo ang DILG at PNP sa paglansag sa sindikato ng droga.