CHR, pinuna ang DOJ at BuCor sa kawalan ng transparency at cooperation sa gitna ng imbestigasyon sa pagkamatay ng ilang inmates sa NBP

Pinuna ng Commission on Human Rights (CHR) ang kawalan ng transparency at cooperation mula sa Department of Justice (DOJ) at Bureau of Corrections (BuCor) hinggil sa isinasagawang imbestigasyon sa pagkamatay ng ilang high-profile inmates sa New Bilibid Prisons (NBP).

Sa statement, nagpadala ang CHR ng team sa DOJ para alamin ang listahan ng mga namatay na inmates, ang sitwasyon ng COVID-19 sa mga pasilidad ng BuCor, at kapasidad ng health facilities sa national penitentiary mula pa noong Hunyo.

Nakatanggap na ang CHR ng mga reklamo mula sa pamilya ng Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa kanilang tanggapan sa Metro Manila.


Nanawagan ang CHR sa pamahalaan na maging bukas at tunay ang inilalabas na ulat sa sitwasyon ng mga PDL sa bansa.

Ang kaso ng COVID-19 sa iba’t ibang detention facilities ay patuloy na nakakabahala, hudyat na kailangang paigtingin ang ilang patakaran at inisyatibo.

Hinimok din ng komisyon ang pamahalaan na igalang ang kanilang mandato at makipagtulungan sa mga isyu na kinakaharap ng mga inmate at mga tauhan sa detention facilities.

Facebook Comments