Ikinatuwa ng Commission on Human Rights (CHR) ang katiyakan ng gobyerno na iro-roll-out na ngayong buwan ng Oktubre ang isang National Food Policy.
Ginawa ng CHR ang pahayag kasunod ng lumabas sa isang survey na mas maraming Pilipino ang nakararanas ng kagutuman sa gitna ng pandemya.
Ikinagalak ni CHR Spokesperson Jacqueline De Guia ang paglalatag ng food security program ng gobyerno.
Sa panahon aniya na may pandemya, dapat na gawing prayoridad ang pagtugon sa impact ng COVID-19 sa nutrition status ng mga Pilipino.
Umaasa ang CHR na magbibigay daan ang implementasyon ng National Food Policy sa pagkamit ng Sustainable Development Goal 2 target na gawing zero hunger ang Pilipinas sa 2030.
Apela ni De Guia sa lahat ng line agencies na magpapatupad ng programa, tiyaking lahat ay makikinabang at hindi maiiwan ang mga nasa marginalized sector.