CHR, iimbestigahan ang pagpatay sa mamamahayag sa Davao del Sur

Iimbestigahan na rin ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagpaslang sa mamamahayag na si Orlando “Dondon” Dinoy.

Ayon kay CHR Spokesperson Atty. Jacqueline Ann de Guia, nagpadala na sila ng quick response team sa bayan ng Bansalan sa Davao del Sur upang alamin kung may kaugnayan sa trabaho ang dahilan ng pagpatay kay Dinoy.

Aniya de Guia, sa inisyal na imbestigasyon, pinag-planuhan ang pagpatay sa mamamahayag.


Aniya, kaisa ng CHR ang taumbayan sa pagkondena sa pamamaslang sa mamamahayag dahil nangyari ito sa araw ng anibersaryo ng International Day to End Impunity for Crimes against Journalists.

Giit ni de Guia,ang pagpaslang sa mga miyembro ng media ay naghahatid ng takot sa mga tumutunggaling boses at lumilikha ng climate of impunity.

Facebook Comments