CHR, pumasok na sa pag-aresto ng police officer sa isang babaeng Grab driver sa Taguig City

476

Iimbestigahan na rin ng Commission on Human Rights (CHR) ang sinasabing pangha-harass ni Captain Ronald Saquilayan sa isang babaeng Grab driver sa Taguig City.

Ayon kay CHR Spokesperson Atty. Jacqueline Ann de Guia, nagpadala na sila ng team sa pamilya ng Grab driver para makapagtanong.

Sinisilip nila kung may hindi nasunod na proseso ng batas sa tunay na nangyari nang ipakalat sa social media ang video ng nangyari sa pagitan ng Grab driver at ng police officer.

Ayon kay De Guia, ginagarantiyahan ng batas na may karapatan ang sinuman na malaman ang kinakaharap niyang kaso at maipagtanggol ang kaniyang sarili.

Pinaalalahanan ng CHR ang mga law enforcement agents na palagiang sundin ang standard protocols at panatilihin ang nauukol na puwersa sakaling pisikal na pumapalag ang mga inaaresto.

Facebook Comments