CHR, sinimulan na ang imbestigasyon sa Grade 11 student na napatay ng pulis-Caloocan

Caloocan City – Nagpadala na ng imbestigador at legal officers ang Commission on Human Rights upang magsagawa ng hiwalay na imbestigasyon sa pagkamatay ng isang grade 11 student sa isinagawang drug operation ng Caloocan PNP sa Barangay 160, Caloocan City.

Ayon kay CHR Spokesperson Atty. Jacqueline De Guia, inaantay nila ang resulta ng isinasagawang imbestigasyon ng kanilang imbestigador at maglalabas sila ng resolution base sa kalalabasan ng resulta sa pagkamatay ni Kian Loyd Delos Santos, grade 11 student na napatay ng mga pulis matapos umanong manlaban sa mga awtoridad.

Paliwanag ni Atty. De Guia, kapag mahina ang kaso tiyak maibabasa lamang ang kaso pero kapag sa tingin ng CHR ay malakas ang kaso at may laban sila, irerekomenda nila na maghahain ng kaso laban sa mga pulis at magbibigay sila ng legal assistance sa mga kaanak ni Delos Santos.


Giit ni Atty. Duia, aalamin ng kanilang imbestigador kung totoong nanlaban talaga si Delos Santos sa mga pulis sa isinagawang drug operation ng Caloocan PNP noong Miyerkules sa Barangay 160, Caloocan City kung saan nagtamo ng tama sa ulo at katawan ang bikitima.

Nakarekober di umano ang mga pulis ng dalawang sachet ng shabu sa isinagawang operasyon.

Sinibak na rin ni NCRPO Chief Director Oscar Albayalde ang mga pulis na nagsagawa ng naturang operasyon.

Facebook Comments