Suportado ng Commission on Human Rights (CHR) ang ginagawang pag-iingay ng Department of National Defense (DND) at Department of Foreign Affairs (DFA) sa nangyaring pagbangga ng Chinese fishing vessel at pag-iwan sa 22 na Pinoy na mangingisda.
Ayon kay spokesperson, Atty. Jacqueline Ann de Guia, dapat ipaglaban ng administrasyong Duterte ang karapatan ng Pilipinas na makapangisda sa bahagi ng Recto Bank na sakop ng exclusive economic zone ng bansa.
Ani de Guia, sa halip na bumigay sa pambu-bully, dapat ipakita ng Pilipinas na may sarili itong paraan ng pamamahala.
Dagdag ni de Guia, ipinakita ng sitwasyon na kailangan na ng gobyerno magpatupad ng mabisang hakbang na magpoprotekta sa karapatan ng mga Pilipinong mangingisda.
Facebook Comments