CHR, suportado ang imbestigasyon ng NCIP sa umano’y bentahan ng ancestral land sa Davao Region

Suportado ng Commission on Human Rights (CHR) ang imbestigasyon ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) sa umano’y bentahan ng ancestral lands sa Davao Region.

Ayon kay CHR Spokesperson, Atty. Jacqueline Ann de Guia, welcome sa kanila ang aksyon ng NCIP.

Nakahanda aniya silang tumulong sa NCIP sa pag-building up ng kaso na isasampa laban sa mga indibidwal na nasa likod ng naturang matiwaling gawain.


Ani De Guia, ang mga ancestral domain ay private property pero ito ay community property ng mga Indigenous Cultural Communities na ang ibig sabihin ay pagmamay-ari ito ng ng mga susunod na henerasyon ng mga katutubo at hindi maaring ibenta ninuman.

Kinikilala ng CHR ang magkadugtong na relasyon ng ancestral lands sa kultura at identity ng mga Indigenous Peoples (IP).

Nakahanda ang CHR na makipagdayalogo sa mga government at non-government institution sa pagtiyak na poprotektahan ang karapatan ng mga Indigenous People (IP).

Facebook Comments